FEATI High School Buwan ng Wika 2026



Ang matagumpay na pagdiriwang ng taunang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa ng Departamento ng High School sa pangunguna ng tapangasiwa ng selebrasyon at guro sa asignaturang Filipino na G. Kenneth Anthone D. Lazo, LPT. sa patnubay at gabay ng punong guro na si Bb. Salvacion kasama ang punong tagapangasiwa ng Departmento ng High School na si Bb. Jowina “Ging” Segovia. Dumalo rin sa pagdiriwang ang kapita-pitagang Pangulo ng Unibersidad na si Doktora Susan Gallardo kasama ang Ikalawang Pangulo ng Unibersidad na si Doktora Evelyn Creencia. Samantalang ang naging tagapagdaloy ng palatuntunan ay sina G. Nathaniel Ray Battad mula sa Baitang 12 – STEM at si Bb. Aiesha Joli Ortega mula sa Baitang 11.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay β€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon” kung saan inilahad ng tagapangasiwa ng selebrasyon na si G. Lazo ang kahalagahan ng Wikang Filipino at ang matalinong paggamit ng A.I o Artifical Intelligence at kung sa paanong paraan makatutulong ang A.I at Wikang Filipino sa pagpapayaman ng impormasyon at pagpapatibay ng pananaliksik.

Ang isa sa mga inabangan ng mga panauhin ay ang pagtatanghal ng Departmento ng High School. Una na nga riyan ang Sayaw ng Pagkakaisa. Sumunod ang pagtatanghal ng katutubong sayaw na Subli mula sa Batangas at Pangalay mula sa Sulu, Mindanao ng Junior High School. Samantalang ang ang Baitang 11 nama’y naghain ng isang makabagbag damdaming Isang Yugtong Musikal na Dulaan at panghuli ay ang maalab na pagtatanghal ng Baitang 12 STEM Sabayang Pagbigkas na ang piyesa ay “Bayan ko” ni Jose Corazon de Hesus. Nagkaroon din ng munting salo-salo kung saan tampok ang mga pagkaing pinoy at sa pagsapit ng hapon ay sumabak naman sa Palaro ng Lahi ang mga mag-aaral, kung saan naranasan nila’t nasiyahan sila sa paglalaro ng mga Palarong Pinoy.

Naging makulay, masaya at puno ng kagalakan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon. Patuloy nating pagyamanin, palaganapin at yakapin ang Wikanv Filipino kasama na rin ang ating sariling kultura at tradisyon.

MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!




×